Sunday, January 10, 2010

SA PUWESTONG WALANG LAMAN

(2005 - Parola)

Nagmamadali siyang iniluwal ng madilim na pintuan

Tila natatarantang umakyat sa pwestong walang laman

Nginig ang mga kamay na hawak ang pinggan at dalawang plastic ng pagkain,

Isang kanin at isang ulam

Ibinagsak ang puwet sa putting tiles na ibabaw ng inakyat na puwesto na tila tindahan.

Itinaas ang maputik na payat na paa na nakadikit

ang mailbag na tuhod sa mailbag ding mabutong dibdib

Binuksan ng maiitim na kuko ang buhol ng plastic ng pagkain

Nagtulong ang dalawang patpat na kamay sa

pagbuhos ng kanin mula sa isang lalagyan at munggong ulam mula sa isa pa

Walang imik na hinalo ng maduming maliliit na daliri ang pinagsamang

kanin at munggo sa binuhusang pinggan

Habang hinahatak ng isa pang kamay ang laylayan ng pulang gulanit na

salawal upang punasan ang kulay berdeng malapot na likido na lumalabas

sa kanyang ilong.

Napangiti pa siya ng makitang hindi na halos makilala kung ano ang

munggo at kung ano ang kanin

At dir in Makita ang maliit na kamay na tila namulaklak sa paghalong ginawa

Isa – isa niyang sinipsip ang mga payat na daliring may maitim na kuko na

tila namulaklak sa paghalo ng monggo at kanin

Nagmamadaling isinubo nang isinubo habang nakatitig ang mga walang buhay

na mata sa kawalan

Nang maubog, hinawi ang pinggan sa tabi ng pinagkainan at inilapag ang maliit

na mabutong katawan sa puwestong walang laman.

Siya ay isang pitong taong gulang na batang lalaki sa lugar na tinatawag na

tambakan sa Parola

Nakita ko siya sa isang puwesto na tila tindahan ng isda o karne subalit walang laman

Sa buong panahon ng pagkakatitig ko sa kanya, nakita ko ang anyo ng kahirapan.

by: Ome Quijano

No comments:

Post a Comment